^

PSN Palaro

2002 National Inter-Provincial Chess Team Championship

-
Ang La Union province chess team na babanderahan nina International Masters Chito Garma at Barlo Nadera ang isa sa maagang nagpatala para sa 2002 National Inter-Provincial Chess Team Championship na magbubukas sa Hunyo 17 sa San Fernando, Pampanga.

Ang nasabing annual event na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) sa kooperasyon ng Department of Interior and Local Government (DILG) ay iho-host at sponsored ng Provincial Government of Pampanga sa pangunguna ni Gov. Manuel ‘Lito’ Lapid.

Inaasahang makikipagpigaan ng utak sa tournament na ito ang mga top chess players ng bansa na kakatawan sa iba’t ibang probinsiya sa pangunguna ni Grandmaster Eugene Torre na siyang gumiya sa nakaraang taong titlist Mountain Province at ang probinsiya ng Bataan na tatrangkuhan naman ni Grandmaster Joey Antonio.

Nakataya sa chessfest na ito ang kabuuang P526,000 na ang magka-kampeon na koponan ay mag-uuwi ng P200,000. Ang second, third at fourth placers ay pagkakalooban ng P100,000, P75,000 at P50,000, ayon sa pagkakasunod.

Ang iba pang premyo na nakalaan ay para sa 5th place-P30,000; 6th place-P15,000; 7th place P10,000; 8th place-P8,000; 9th place-P7,000 at 10th place-P6,000. Tatanggap rin ang mga individual winners ng cash prizes at gold medals.

Ang bawat koponan ay bubuuin ng maximum na limang manlalaro o minimum na apat. Ang koponan ay puwedeng magpadala ng dalawang tituladong players (Grandmasters, International Master, FIDE Master o National Master).

ANG LA UNION

BARLO NADERA

GRANDMASTER EUGENE TORRE

GRANDMASTER JOEY ANTONIO

INTERNATIONAL MASTER

INTERNATIONAL MASTERS CHITO GARMA

MOUNTAIN PROVINCE

NATIONAL CHESS FEDERATION OF THE PHILIPPINES

NATIONAL INTER-PROVINCIAL CHESS TEAM CHAMPIONSHIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with