4 game winning streak sasagpangin ng Shark
May 6, 2002 | 12:00am
Mula sa 0-4 panimula, tangka naman ng Shark na maitala ang kanilang four-game winning streak.
Ito ang matinding layunin ng Challenge Cup champion Shark Energy sa kanilang nakatakdang pakikipagharap sa Ana Freezers sa double-header ng PBL Chairmans Cup sa Pasig Sports Center.
Sariwa pa mula sa kanilang 69-66 pamamayani kontra John-O, paborito ang Power Boosters na maduplika ang kanilang 86-65 tagumpay kontra Ana sa una nilang paghaharap noong Abril 24.
Sa kabilang dako, sisikapin naman ng John-O na mawakasan ang kanilang apat na sunod na kabiguan sa kanilang engkuwentro ng Kutitap Toothpaste sa alas-6 ng gabi.
Sa kasalukuyan, taglay ng Ana ang 5-3 win-loss slate katabla ang Kutitap sa likod ng Ateneo na may 5-2 at ICTSI-La Salle na may 6-2 kartada, habang nalaglag naman ang John-O sa ikaanim na slot sanhi ng kanilang 4-4 karta.
Inaasahang muling sasandigan ni Shark coach Leo Austria ang mga balikat nina Ismael Junio, CJ Cole, Warren Ybañez, Irvin Sotto, Rysal Castro at Rolly Basilides upang pagandahin ang kanilang kampanya kung saan magbibigay rin ng suporta sina Mike Bravo at Al Vergara.
Pero di sila nakakasiguro sa Ana na tiyak na gagawing inspirasyon ang kanilang 74-68 pamamayani laban sa Kutitap noong Biyernes upang makawala ang Ana sa ikatlong puwesto.
Inaasahang tatapan nina James Laygo, Roland Pascual, Dondon Mendoza, Paul Artadi at Ronald Tubid ang hamong ibibigay ng tropa ng Shark.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended