^

PSN Palaro

2nd Philspada-Rotarympics magsisimula sa Abril

-
Mahigit sa 800 iba’t ibang atletang may kapansanan at opisyal mula sa buong bansa ang magpapakita ng aksiyon sa 2nd Philspada-Rotarympics 2002 National Games na nakatakda sa Abril 5-8 sa UP Diliman campus at sa PhilSports Complex sa Pasig City.

Ang naturang event ay magkatulong na inorganisa ng Rotary Club of Diliman sa pangunguna ni Lourdy Torres at Philspada sa pangunguna naman ni Mike Barredo at hatid ng Nestle Philippines, Portal at Philippine Sports Commission.

Inihayag ni Barredo na naging panauhin kahapon sa PSA Forum na hatid ng Agfa at Red Bull sa Holiday Inn at Diliman Rotary officials Alex Cureg, Steve Robles at Ric del Castillo na ang mga nagwagi sa National Games ang siyang kasama sa pool of athletes para sa international competitions, kabilang ang Asia Pacific meet matapos ang Busan Asian Games sa Korea ngayong Setyembre.

Ang mga events na paglalabanan ay ang 21K wheelaton, basketball on wheels, soccer, throwing contest, track races, swimming, judo, volleyball, showdown at tennis.

ALEX CUREG

ASIA PACIFIC

BUSAN ASIAN GAMES

DILIMAN ROTARY

HOLIDAY INN

LOURDY TORRES

MIKE BARREDO

NATIONAL GAMES

NESTLE PHILIPPINES

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with