^

PSN Palaro

Buenavista kampeon sa DZMM Takbo Para sa Kalikasan

-
Higit pang pinasolido ni Ed Buenavista ng Philippine Air Force ang kanyang posisyon bilang pinakamahusay na road runner ng bansa sa 20K-and-below distances nang kanyang pangunahan ang mahigit sa 2,700 man field kahapon na lumahok sa 3rd DZMM Takbo Para sa Kalikasan 10K run nang solong tawirin ang finish line sa tiyempong 29:51 segundo.

Sa paglarga pa lamang ng karera na nagsimula at nagtapos sa Quirino Grandstand sa Luneta Park, ay agad ng kinuha ng 21-anyos na si Buenavista at 2001 SEA Games double gold medalist sa 3000m at 5000m events ang pangunguna na hindi na niya binitiwan pa.

"Kasama sa training ko at maganda naman ang naging time ko, expected ko naman talaga ako ang mananalo dito," pahayag ni Buenavista na nagbulsa ng P10,000 para sa kanyang ikatlong sunod na korona.

Pumangalawa ang lahok ng Philippine Navy na si Rene Herrera, winner ng 42K Milo Marathon Metro Manila elimination run noong nakaraang taon na nagsumite ng oras na 31:54 na sinundan ng isa pang miyembro ng Air Force na si Reynaldo delos Reyes na nagtala ng 32:10.

Sa women’s side, nanguna si Flordeliza Cachero nang magtala ng 37:01 sumegunda si Lisa Yambao na nagtala ng 39:24 habang pumangatlo si Juvy Madredia na may 41:31.

AIR FORCE

BUENAVISTA

ED BUENAVISTA

FLORDELIZA CACHERO

JUVY MADREDIA

LISA YAMBAO

LUNETA PARK

MILO MARATHON METRO MANILA

PHILIPPINE AIR FORCE

PHILIPPINE NAVY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with