^

PSN Palaro

Daruca, maliit ngunit matinik

-
CEBU CITY -- Nagpakitang gilas ang five-foot-six na si Chris Daruca sa huling maiinit na bahagi ng labanan upang iangat ang Granny Goose Tortillos at pabagsakin ang Blu Detergent, 77-74 kahapon sa pagbubukas ng Cebu Basketball Federation-Philippine Basketball League (CBF-PBL) Partnership Cup sa Cebu Coliseum dito.

Gumanap ng mahalagang papel si Daruca nang kumana ito ng 23 puntos kabilang ang limang puntos sa final na segundo upang itakas ang kanilang panalo.

Inagaw ng Tortillos ang trangko nang humugot ng foul si Daruca mula kay Lou Gatumbato mula sa three-point teritory na nagkaloob sa kanya ng tatlong charity shots at kunin ang 75-74 pangunguna, may 44 segundo ang nalalabi sa laro.

Tinangka ng Detergent Kings na agawin naman ang bentahe sa return play, ngunit muling nakakuha ng foul si Daruca kay Eric dela Cuesta.

Muling tumapak si Daruca sa free throw line at kapwa niya naisalpak ang dalawang bonus shots may 19 segundo na lamang ang nalalabi sa laro ang tuluyang nagkaloob sa Tortillos ng panalo.

Nauna rito, naungusan ng Montana Pawnshop ang Hapee Toothpaste-Cebu, 87-78.

vuukle comment

BLU DETERGENT

CEBU BASKETBALL FEDERATION-PHILIPPINE BASKETBALL LEAGUE

CEBU COLISEUM

CHRIS DARUCA

DARUCA

DETERGENT KINGS

GRANNY GOOSE TORTILLOS

HAPEE TOOTHPASTE-CEBU

LOU GATUMBATO

MONTANA PAWNSHOP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with