Lady Falcons nakahirit ng krusiyal na panalo vs UST
January 30, 2002 | 12:00am
Nagpakawala lamang ng limang hits si pitcher Leah Crudo na hindi nakapahinga nang pabagsakin ng defending champion Adamson University ang University of Santo Tomas sa UAAP softball tournament kahapon sa UST field.
Ang panalo ay nagbigay sa Lady Falcons ng karapatang harapin ang University of the East upang mabatid kung sino ang haharap sa University of the Philippines sa winner-take-all match championship game.
"Masaya ako, pero dalawa pang malalakas ang dadaanan namin para ma-retain ang titulo na hawak namin simula pa nuong apat na taong nakaraang," pahayag ni Adamson coach Filomeno Codiñera.
Samantala, gaganapin ang unang All-Filipino Championships, ang pinakamalaki at pinakaprestihiyosong torneo sa annual calendar ng Amateur Softball Association Philippines, sa May 5-10 sa Cabanatuan City.
Dalawamput apat na koponan sa mens division at 10 sa womens category ang kalahok sa torneong ito na hosted ni Nueva Ecija Gov. Tomas Joson.
Sinabi ni ASA-PHIL president Filomeno Boy Codiñera sa kauna-unahang pagkakataon sa ganito kalaking torneo, ang mga national players na naka-base sa Metro Manila at naglalaro sa commercial leagues kabilang ang mga nasa militar, ay kakatawan ng mga probinsiya kung saan sila nagmula.
Kabilang sa mens division ay apat na teams mula sa Cebu at tig-isa mula sa Manila, Batangas, Mandaluyong City, Bulacan, Pampanga, Iriga City, Bacolod City, Davao City at host Nueva Ecija.
Ang UAAP campaigners na Adamson, UE, UP, UST, Ateneo at La Salle ang kalahok sa womens bracket kasama ang Mandaluyong, Batangas, Laguna, Caloocan City at Bacolod.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended