Finals target ng Welcoat at ICTSI-DLSU
January 24, 2002 | 12:00am
Umaasa ang Welcoat Paints at ICTSI-La Salle na maipako ang kanilang finals appearance sa kanilang pakikipagharap sa kani-kanilang kalaban sa PBL Challenge Cup semifinals sa Makati Coliseum.
Ang Paint Masters at ICTSI Archers ay kapwa may bentaheng twice-to-beat.
Makakaharap ng ICTSI ang defending champion Shark Energy Drinks sa unang bakbakan sa ganap na alas-3:30 ng hapon na susundan naman ng umaatikabong bakbakan ng Welcoat at Kutitap Toothpaste.
Kapwa humatak ng impresibong panalo ang Shark at Kutitap sa kanilang mga nakalaban upang mabuo ang Final Four cast.
Pinatalsik ng Power Booster ang Ana Freezers sa pamamagitan ng 80-69 panalo habang ang Teeth Sparklers naman ay ginulat ang Blu Detergent, 81-61.
At ang panalong iyon ang nagbigay kaba sa Welcoat at ICTSI-La Salle.
"Well see. Ibang-iba ang laro ng Kutitap and theyre enjoying a three-game winning roll against three big teams including us. Definitely, we will map out a different strategy to counter their plays and hope we could get back at them," ani Welcoat coach Junel Baculi.
"Mabigat na kalaban ang Welcoat considering their championship experience and their seasoned caliber players. If the boys play the same intensity, I guess well have a pretty good chances," anaman ni Kutitap coach Koy Banal.
Sa kabilang dako naman, taglay ng Shark ang 2-1 bentahe matapos na dalawang beses manalo ang Power Boosters kontra sa ICTSI-La Salle sa eliminations, una sa iskor na 64-58 noong Disyembre 4 at 59-55 noong Disyembre 20.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended