^

PSN Palaro

Blu Girls di nakalusoot sa finals

-
PLANT CITY, Florida--Walang championship appearance para sa Philippines sa World Junior Softball Championship.

Ito’y makaraang malasin ang mga kabataang sotfballers ng bansa nang yumukod sa Northern Ice, isang Canadian team mula sa Winnipeg, 3-2 noong Huwebes dahilan upang magwakas ang oportunidad na makaharap ang Chinese Taipei sa finals ng kanilang grupo.

Makakaharap ng Taiwanese, nanaig sa Venezuela, 6-0 at Mexico, 5-0 ang Northern Ice sa finals ng foreign bracket.

Hindi nagawang ipanalo ni Jean Arguelles ang importanteng panalo ng Filipinos at ang oportunidad na makasagupa ang Chinese Taipei.

Nakatapak si Arguelles sa first base mula sa single to center at umusad sa second sa fielder’s choice ngunit pagdating sa third siya ay bahagyang tumigil sa gitna dahilan upang ma-tagged out siya ni Lindsley Skulmusk.

Bago napagretiro si Maria Lisa Gaylon ni Erin Nueweneurg na siyang tuluyang dumiskaril sa tsansa ng Pilipinas na manalo na ikinadismaya naman ng malaki ni softball association president Filomeno Codiñera.

"Nawala sa isip ‘yung laro. Kung naka-iskor siya, panalo na. Sayang," paha-yag pa ni Codiñera matapos na magtala si Arguelles ng error sa sana’y panalo ng bansa.

ARGUELLES

CHINESE TAIPEI

CODI

ERIN NUEWENEURG

FILOMENO CODI

JEAN ARGUELLES

LINDSLEY SKULMUSK

MARIA LISA GAYLON

NORTHERN ICE

WORLD JUNIOR SOFTBALL CHAMPIONSHIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with