^

PSN Palaro

Katatagan sa no. 2 qualifying asam ng San Juan

-
Pipilitin ng kasalukuyang National titlist San Juan na mapanatili ang kanilang paghawak sa No. 2 qualifying slot sa Northern Conference sa kanilang pakikipagsagupa sa Cebuana Lhuillier sa alas-5:30 ng hapon sa MBA Second Phase sa Cebu City Coliseum.

Hawak ang 7-4 win-loss slate, kailangan ng Kights na ma-sweep ang kanilang huling tatlong laro upang maunahan ang Laguna Lakers (10-3) at maagaw ang homecourt advantage sa kanilang best-of-three series para sa karapatang hamunin ang top qualifier Batangas (11-1) para sa conference crown.

Tinalo ng Knights ang Gems, 91-73 sa kanilang unang pagkikita noong Oktubre 10 at muli silang paborito na maduduplika ang nasabing tagumpay matapos na matalo ang huling tatlong laro ng Gems.

Taglay ang 4-8 kartada, kailangan ng Gems na maipanalo ang kanilang laro upang manatili rin sa No. 2 slot sa Southern Conference kung kaya’t inaasahang agresibong opensa ang kanilang ibibigay.

Siguradong muling sasandalan ni coach Philip Cezar ang mga kamay nina Chris Calaguio, Bruce Dacia, Chito Victolero, Rafi Reavis at Omanzie Rodriguez upang tapatan ang lakas ng Gems at ihatid ang Knights sa panalo.

Nauna rito, haharapin ng Nueva Ecija ang Davao sa alas-3 ng hapon sa Araullo Gym sa Cabanatuan City.

vuukle comment

ARAULLO GYM

BRUCE DACIA

CABANATUAN CITY

CEBU CITY COLISEUM

CEBUANA LHUILLIER

CHITO VICTOLERO

CHRIS CALAGUIO

KANILANG

LAGUNA LAKERS

NORTHERN CONFERENCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with