^

PSN Palaro

National Open Boxing: Philippine Navy umangat

-
IRIGA CITY -- Inilapit ng Philippine Navy ang kanilang kampanya na muling mabawi ang overall title na huli nilang hinawakan noong 1997, nang anim na boksingero nito ang nakapasok sa finals, ang koponan na siyang may pinakamaraming finalists mula sa 10 nakataya sa 2001 National Amateur Open Boxing Championships kahapon dito.

Pinangunahan ni welterweight Larry Semillano ang kampanya ng Navy nang agad itong umiskor ng magaang na panalo kontra Johnson Cea ng Baguio City sa isang minuto at 55 segundo ng unang round.

Ngunit mabigat na hamon ang kakaharapin ni Semillano sa finals kung saan pinigil ng Olympian Romeo Brin ng defending champion Army ang kalabang si Rey Canales ng PNP sa 1:40 minuto ng second round na naghatid sa kanya sa finals.

Ang iba pang lahok ng Navy na nakausad sa finals ay sina bantamweight Ferdie Gamo, featherweight Ruel Laguna, lightweight Benjie Garcia, light welterweight Salvador Tizon at light middleweight Junie Tizon.

Nauna rito, noong Huwebes, apat na Navymen–sina pinweight Juanito Magliquian, middleweight Reynaldo Galido,light heavyweight Mario Tizon at heavyweight Rolando Escobar ang nakauna na sa finals bunga ng kanilang impresibong panalo.

Ang iba pang Armymen na nakasama ni Brin sa championshop ng isang linggong three-in-one championship ay sina light flyweights Harry Tanamor at Ernanie Desaville, bantamweight Glen Salazar at featherweight Lino Tagacay. Noon ring Huwebes namayani sina flyweight Violito Payla at light heavyweight Maraon Goles sa kani-kanilang semifinals bout.

Anim rin na fighters ang dinala ng Air Force sa pangunguna ng beteranong internationalist Joel Barriga at David Gopong sa finals.

Ang iba pang Airmen na nakarating sa finals ay sina light welterweight Charlie Balena, flyweight Decembrix Ambray, middleweight Ignacio Gerodias at heavyweight Ricardo Aguilar.

Ang natatanging civilian na nakarating sa final ay si pinweight Edmon Doronilla ng South Cotabato.

vuukle comment

AIR FORCE

BAGUIO CITY

BENJIE GARCIA

CHARLIE BALENA

DAVID GOPONG

DECEMBRIX AMBRAY

EDMON DORONILLA

ERNANIE DESAVILLE

FERDIE GAMO

FINALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with