^

PSN Palaro

1st PBL Open Invitational: Hapee papalapit sa semis

-
Inilapit ng Hapee Toothpaste ang kanilang isang paa tungo sa pagkuha ng awtomatikong semifinals berth matapos na iposte ang 109-68 tagumpay kontra sa Whiz Super Oil kahapon sa 1st PBL Open Invitational sa Makati Coliseum.

Kumamada si Allan Salansang ng 21 puntos, 11 rebounds, tatlong assists at dalawang blocks upang ihatid ang Teeth Sparklers sa ikatlong sunod na panalo, habang nalasap naman ng Lubricants ang ikaapat na dikit na kabiguan matapos ang 64-67 pagkatalo sa mga kamay ng Silka noong isang araw.

Binawian naman ng Spring Cooking Oil ang La Union Selection, 93-66 para sa kanilang ikalawang panalo matapos ang tatlong laro.

Pinangtulungang iahon nina Mario Reyes at Ricky Ricafuente ang Cooking Oil Masters upang mapanatiling malinis ang kanilang record at makuha ang ikalawang puwesto sa Group A sa likod ng Welcoat Paints.

Hindi nagpahuli ang Whiz sa unang canto nang makalapit sa 22-21, pero nanalasa si Salansang ng 11 puntos upang palobohin ang kalamangan ng Hapee sa 42-30, 3:53 ang oras sa second quarter.

Nagawang ibaba ng Lubricants ang abante ng Hapee sa 10 puntos, 54-64, pero isinara ng Teet Sparklers ang third canto sa 14-0 blast para sa 78-54 margin na kanilang dinala sa 94-56 sa kalagitnaan ng final canto upang iseguro ang kanilang panalo.

Sa iba pang laro, pinabagsak ng Chopat ang Grandtex, 80-74.

Inukopahan ng Grandtex ang slot para sa Kuwait National team na hindi na sumali sa tournament.

vuukle comment

ALLAN SALANSANG

COOKING OIL MASTERS

GRANDTEX

GROUP A

HAPEE

HAPEE TOOTHPASTE

KUWAIT NATIONAL

LA UNION SELECTION

MAKATI COLISEUM

MARIO REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with