NCAA Basketball: Blazers may pag-asa pa sa Final 4
September 9, 2001 | 12:00am
Nilimitahan ng defending champion College of St. Benilde ang Letran sa isang free throws sa huling 2:28 oras ng labanan upang maitakas ang 77-71 panalo sa overtime kahapon at mapanatiling buhay ang kanilang tsansa sa Final Four ng 77th NCAA mens basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.
Nagsama ng lakas sina Alexander Magpayo at Dan Salvador sa pagpasok ng final canto upang banderahan ang Blazers upang ihatid sa pakikitabla sa ikaapat na puwesto sa kanilang biktimang Knights sanhi ng kanilang magkatulad na 6-6 karta.
Nahatak ni Jason Misolas ang extra limang minuto nang magsalpak ito ng buzzer-beating follow-up mula sa sablay ni Ronjay Enrile at itabla ang iskor sa 65-all sa regulation period.
At sa overtime, maagang umalagwa ang Knights sa 70-69 mula sa jumper ni Billy Moody, 2:28 ang oras, pero dahil sa malagkit na depensa ng Blazers, nagawa nilang agawin ang upuan sa 73-70 kalamangan, may 24 segundo ang oras.
Sa junior division, lumapit ang Letran Squires ng isang panalo upang makuha ang unang slot sa Final Four matapos na igupo ang Greenhills Blazers, 69-60.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended