^

PSN Palaro

First Gentleman Arroyo dinner host para sa mga atl

-
KUALA LUMPUR - Bago sumabak sa aksiyon ang pambansang delegasyon ng bansa, magbibigay ng isang dinner ang First Gentleman sa mga opisyales at atleta upang palakasin ang kanilang boost sa 21st Southeast Asian Games sa Crown Princess hotel dito.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang isang Filipino sportsman sa katauhan ni Arroyo ang magbibigay parangal sa mga atleta bago lumahok sa nasabing biennial meet na magbubukas sa Sabado.

"This is going to inspire our athletes in thier bid to win honor and glory," wika ni RP delegation chief of mission Godofredo Jalasco hinggil sa nasabing affair. "With no less than the First gentleman honoring them, the athletes will realize that the whole country is behind them."

Mahigit sa 300 atleta ang magdadala sa bandila ng bansa, ngunit ang mga lalahok lamang sa mga events na nakatakda dito ang siya lamang dadalo sa nasabing pagtitipon kasama sina Ambassador Jose Brillantes, Congressman Monico Puentevella, Philippine Olympic Committee president Celso L. Dayrit, Philippine Sports Commission chair Carlos D. Tuason at Presidential son Jose Miguel Arroyo.

Sasabak sa aksiyon ang Philippines sa 30 events, ngunit walo dito ang lalaruin sa Penang at Johor Bahru. Gaganapin sa Penang ang wushu, squash, bowling at pencak silat, habang ang taekwondo, archery, weighlifting at judo ay dadako naman sa Johor Bahru.

Ang iba pang events na sasalihan ng atletrang Pinoy dito ay ang swimming, diving, water polo, athletics, women’s football, golf, gymnastics, karatedo, lawn bowls, rowing , sailing, sepak takraw, shooting, table tennis, tennis at volleyball.

Dumating dito si Mr. Arroyo kamakalawa ng gabi kasama ang mga atleta mula sa billiards and snooker, boxing, fencing, rowing, table tennis, badminton, basketball at tennis.

Samantala, idaraos ang flag-raising ceremony sa alas-8:30 ng umaga ngayon sa National Stadium kasama ni Jalasco ang 20 atleta na kakatawan sa bansa.

Hindi pa alam ni Jalasco ang mga pangalan ng mga atleta na kanyang isasama sa parada at sinabi nitong , "I plan to pick athletes from the different teams which are already here."

AMBASSADOR JOSE BRILLANTES

CARLOS D

CELSO L

CONGRESSMAN MONICO PUENTEVELLA

CROWN PRINCESS

FIRST GENTLEMAN

GODOFREDO JALASCO

JALASCO

JOHOR BAHRU

JOSE MIGUEL ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with