^

PSN Palaro

JRU Bombers naupos sa Letran Knights

-
Nagsilbing bayani ng Letran si Ronjay Enrile nang magsalpak ito ng mahahalagang basket upang trangkuhan ang Knights sa 83-81 upset na panalo kontra sa Jose Rizal University kahapon sa pagpapatuloy ng 77th NCAA senior basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.

Isinalpak ni Enrile ang kanyang dalawang freethrows mula sa foul ni Rendel dela Rea sa huling maiinit na bahagi ng salpukan ang nagkaloob sa Heavy Bombers ng kanilang kauna-unahang pagkatalo na tumapos sa kanilang siyam na panalo.

Bunga ng panalo, nakatabla naman ang Knights sa ikalimang puwesto sa defending champion College of St. Benilde bunga ng 5-5 karta na nagpalakas rin sa kanilang tsansa na mapasabak pa sa Final Four.

Tumapos si Enrile ng 11 puntos sa likod ng 19 puntos ni Harold Sta. Cruz upang dalhin ang kanilang koponan sa panalo.

Tabla ang iskor sa 81-all, may 1:01 ang nalalabi sa laro, ngunit hindi na nagawa pang makakunekta ng Heavy Bombers matapos na maglatag ng mahigpit na depensa ang Knights.

Sumablay ang unang tangka ng JRU mula kay John Wyne Te, na sinundan ng error ni dela Rea ng matawagan ito ng stepping ng tangkain nitong maagaw ang bola na naging dahilan upang mapasakamay ng Letran ang posesyon.

At sa sumunod na play, hinugutan ni Jason Misolas ng foul si Ariel Capus sa huling 19 segundo, ngunit pawang sumablay ang kanyang dalawang free throws kung kaya’t nananatiling may pag-asa ang JRU na maagaw ang panalo.

Ngunit pawang nauwi rin sa wala ang pinaghirapan ng JRU matapos na magmintis ang tangka ni Joel Finuliar kung saan dito na nagpakitang gilas si Enrile.

Sa juniors division, nakuha ng Squires ang solong pangunguna matapos na silatin ang Light Bombers, 56-55. (Ulat ni Maribeth Repizo)

vuukle comment

ARIEL CAPUS

COLLEGE OF ST. BENILDE

ENRILE

FINAL FOUR

HAROLD STA

HEAVY BOMBERS

JASON MISOLAS

JOEL FINULIAR

JOHN WYNE TE

JOSE RIZAL UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with