^

PSN Palaro

NCAA Basketball Tournament; Coach-less Blazers yuko sa Atlas

-
Sumandig ang University of Perpetual Help Rizal sa huling basket nina Jason Jensen at Anthony Cosme sa huling bahagi ng labanan upang ihatid ang Altas sa 75-71 panalo kontra defending champion St. Benilde sa pagpapatuloy ng 77th NCAA men’s basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum kahapon.

Ang panalong ito ng Altas ang siyang tumapos sa kanilang tatlong sunod na talo matapos ang limang asignatura, habang nalasap naman ng Blazers ang kanilang tatlong talo matapos ang dalawang panalo.

Tumapos si Chester Tolomia ng 22 puntos at anim na rebounds para pangunahan ang Altas sa kanilang pagbangon mula sa kanilang huling talo.

"Nag-stepped up kasi yung sixth men namin. Alam naming sasabihin ng kalaban na naka-focus lang yung play namin kina Chester (Tolomia) at Gilbert (Malabanan). So iniba ko yung play namin. Nag-half court offense lang kami para hindi nila ma-anticipate yung tira namin," wika ni Perpetual coach Bay Cristobal.

Nakalubog ang Altas sa 33-38 sa unang yugto ng labanan nang pangunahan nina Tolo-mia at Malabanan ang 19-4 bomba upang agawin ang trangko sa Blazers sa 52-42 pangunguna patungong 3:21 ng ikatlong yugto ng labanan.

Ngunit muling naibaba ng Blazers ang bentahe ng Taft-based cagers sa pagtutulungan nina Jan Anthony Coching, Romar Menor at Sunday Salvacion sa 66-69, may 2:30 ang nalalabi sa laro.

Dalawang freethrows ni Jensen at lay-up ni Cosme ang naghatid sa Perpetual sa kampanteng katayuan sa 73-66 patungong huling 29 segundo na lamang sa laban.

Gayunpaman, patuloy pa ring nagbibigay ng banta ang Blazers na sa ikalawang pagkakataon ay hindi nagiyahan ni coach Dong Vergeire matapos na suspindihin ng dalawang laro nang pilitin namang ilapit nina Jon Dan Salvador at Alexandre Magpayo ang iskor sa 71-73 matapos na magbaba ng 5-0 salvo, may 11 segundo na lamang ang nalalabi sa tikada.

Ngunit hindi pumayag si Tolomia na mauwi sa wala ang kanyang pinaghirapan at sineguro niya na nahugutan ng foul si Mark Magsumbol sa huling siyam na segundo na naghatid sa kanya na tumapak sa free throw line.

Kampanteng isinalpak ni Tolomia ang dalawang bonus shot na muling naglayo sa bentahe ng Altas sa 75-73, may 0.4 segundo na lamang sa laro.

At sa pagbabalik ng laro, tinangkang itabla ni Magpayo ang iskor, ngunit sumablay lamang ang kanyang desperadong tres kasabay ng pagtunog ng buzzers.

Tumapos si Cosme ng 21 puntos para suportahan si Tolomia, habang nagdagdag rin si Malabanan ng 14 puntos.

Nabalewala naman ang pagsisikap ni Salvador na umiskor ng 14 puntos nang di ito napakinabangan ng Blazers.

Iginanti naman ng Greenhills Blazers ang kabiguan ng kanilang senior counterpart nang kanilang durugin ang Perpetual Altalletes, 102-59 sa junior division.(Ulat ni Maribeth Repizo)

ALEXANDRE MAGPAYO

ALTAS

ANTHONY COSME

BAY CRISTOBAL

CHESTER TOLOMIA

COSME

DONG VERGEIRE

GREENHILLS BLAZERS

MALABANAN

TOLOMIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with