^

PSN Palaro

77th NCAA season di-dribble ngayon

-
Di-dribol na ang pinakamatanda at glamarosong amateur league sa bansa ang National Collegiate Athletic Association na magbubukas ng kanilang ika-77th basketball season kung saan may apat na kasiya-siyang nakatakdang laro na tampok ang "Palabas" sa Araneta Coliseum.

Inimbitahan si Manila Mayor Lito Atienza na maging special guest sa opening ceremony sa alas-12 ng tanghali kung saan makakasama niya si NCAA president Dr. Oscar Suarez ng host Philippine Christian University sa paghahagis ng ceremonial toss upang pormal na buksan ang hostilidad.

Ang opening ceremonies ay naka-sentro sa tradisyunal na "Palabas" na may temang "The Heritage of Sports: A search for Balance and Harmony" na magtatampok sa mga NCAA Cheerleaders at Chorale.

Tampok rin sa sideshow ang Search for Mr. and Ms. NCAA 2001 makaraan ang tradisyunal na pagpaparada ng mga koponan bago susundan ng awarding ng NCAA junior, senior at overall championships.

Sisimulan ng defending champion College of St. Benilde at San Sebastian College, naglaban noong nakaraang taon para sa best-of-three series ang kani-kanilang kampanya sa isang maningning na debut.

Hangad ng SSC na maibalik ang dating ningning sa pagbubukas ng aksiyon kontra sa Jose Rizal University na umaasa naman na mawawakasan na ang kanilang 29-taong pagkauhaw sa korona sa ala-una ng hapong laban.

Makakaharap naman ng Blazers, magtatangka sa kanilang ikalawang sunod na korona ang San Juan de Letran sa alas-5.

Mapapasabak agad ang University of Perpetual Help College, isa sa tinaguriang darkhorse para sa korona sa Mapua Institute of Technology na ngayon ay gigiyahan ni Horacio Lim sa alas-3.

Ang aksiyon ay isasara ng host PCU at San Beda College sa kanilang nakatakdang engku-wentro bandang alas-7 ng gabi. (Ulat ni Maribeth Repizo)

ARANETA COLISEUM

BALANCE AND HARMONY

COLLEGE OF ST. BENILDE

DR. OSCAR SUAREZ

HERITAGE OF SPORTS

HORACIO LIM

JOSE RIZAL UNIVERSITY

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY

MARIBETH REPIZO

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with