^

PSN Palaro

Unang depensa ni Pacquiao malamang sa Pinas

-
Walang magiging problema sa pagtatanghal ng unang title defense ng bagong IBF super-bantamweight champion Manny Pacquiao dito sa bansa na posibleng ganapin sa Agosto o Setyembre ng taong ito.

Ito ang nabatid sa business manager ni Pacquiao na si Rod Nazario na kasama ng World champoion na panauhin sa lingguhang PSA Forum na lingguhang ginaganap sa Holiday Inn Hotel.

"It’s really not a problem bringing the fight here in Manila because we don’t need that much money to host Pacquiao’s next fight in Manila like bringing Gerry Peñalosa’s crack at the WBC super-flyweight crown against Japan’s Masanori Tokuyama to Manila," ani Nazario.

Ayon kay Nazario, mas malaki ang hinihingi ng Japanese champion mula sa kampo ni Peñalosa. It’s hinger by about 60% than what we would need in the case of Pacquaio," ani pa ni Nazario.

Si Pacquiao na tumanggap ng $40,000 sa kanyang huling laban sa Las Vegas kontra kay Lehlo Ledwaba, ay may garantiyang di bababa sa $100,000 sa kanyang unang depensa ng kanyang IBF title kontra sa kanyang challenger na posibleng si Enrique Sanchez ng Mexico na aalukin ng $20,000.

Ngunit sinabi ni Nazario na bagamat mas madaling makalikom ng humigit kumulang P6,000,000 sa pagho-host ng laban dito, ay sisikapin niyang gawin ang susunod na laban ni Pacquaio sa US para sa mas magandang exposure ng Pinoy ngunit kung hindi maaari ay dito na lamang sa Manila.

Hindi naman importante kay Pacquiao kung saan gagawin ang laban. "Kahit saan, basta ang importante ay ma-retain ko ang title. At kahit na sino din ang makakalaban ay handa ako. Maganda talaga ang kondisyon ko ngayon sa tulong ni Freddie Roach (ang kanyang Amerikanong trainer). Malaki ang naitulong niya sa akin."

ENRIQUE SANCHEZ

FREDDIE ROACH

GERRY PE

HOLIDAY INN HOTEL

LAS VEGAS

NAZARIO

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with