^

PSN Palaro

Gomez, Mariano patuloy ang pagsiklab

-
Patuloy ang pananalasa nina juniors Iking John Paul Gomez at collegiate standout Carmina Joy Mariano at patuloy na hawakan ang solong liderato sa kani-kanilang division matapos ang ikaapat na round ng 2001 National Age Group Chess Championships sa Mandaluyong City kahapon ng umaga.

Magaang na naitala ng 14-anyos na si Gomez ang kanyang panalo kontra Chester Yonzon ng Philippine Christian University sa pamamagitan ng default, habang kinailangan ni Mariano, ang Board 1 player ng University of the East na makipagpigaan ng utak sa kalabang si Leninda del Rosario bago niya ito napayukod sa ika-49 sulungan ng French Defense.

Hawak ni Gomez ang pamumuno sa Boys’ U-20 bracket matapos na ang mga dating co-leaders na sina International Master Mark Paragua at University of Santo Tomas Roland Salvador ay nagkasundo sa isang draw sanhi ng kanilang 3.5 puntos.

Napanatili ni Mariano ang kanyang dominasyon sa sa Girls U-20 kontra sa mahigpit na karibal na sina Beverly Men-doza, del Rosario, Maureen Dullion at Jennifer Catilo ng Davao ng isang puntos.

Samantala, magdaraos ang Philippine Chess Arbiters Commission ng tatlong araw na seminar sa arbitration, ratings system at computerized/manual pairings simula ngayon sa alas-6:30 ng gabi. Ang sinumang interesadong chess teachers, coaches at trainors ay maaaring lumagda bago magsimula ang lecture.

BEVERLY MEN

CARMINA JOY MARIANO

CHESTER YONZON

FRENCH DEFENSE

GIRLS U

GOMEZ

IKING JOHN PAUL GOMEZ

INTERNATIONAL MASTER MARK PARAGUA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with