^

PSN Palaro

Bear Brand Kitefest sa Luneta ngayon

-
Idaraos ng Bear Brand Kitefest, ang pinakamalaki at pinakaprestihiyosong kite flying festival sa bansa ang kanilang final na yugto para sa 2001 season ngayon sa Rizal Park sa Metro Manila.

Dinalaw ng nasabing Kitefest ang Dumaguete, Caga-yan de Oro, Kalibo, Davao, Lingayen,Tagbilaran, Baguio at Puerto Princesa bilang bahagi ng kanilang whirlwind tour na nagsimula noong nakaraang Pebrero.

Ang ngayong taong Kitefest ang siyang may pinakamalaking bilang ng mga kalahok kung saan paghahatian nila ang apat na division, ayon sa kani-kanilang age levels: elementary, para sa mga may edad 6-12; high school (13-16); college (17-21) at adult (22-pataas).

Ang mga kalahok sa elementarya ay maaaring sumali sa two-dimensional flat kite category, habang ang nasa high school, college at adult divisions ay maaaring umentra sa three-dimensional geometric at figure kite categories.

Bukas ang nabanggit na Bear Brand Kitefest sa lahat ng individuals, families at grupo ng mga magkakaibigan. May nakataya ritong cash prize at tropeo na ipagkakaloob sa mga mananalo.

Magbibigay rin ng special prize para sa Super Kite awardee ang pinakamala-king saranggola na paliliparin sa araw na ito.

vuukle comment

BEAR BRAND KITEFEST

BUKAS

CAGA

DAVAO

DINALAW

KITEFEST

METRO MANILA

PUERTO PRINCESA

RIZAL PARK

SUPER KITE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with