^

PSN Palaro

University of Assumption binigo ng UP-Waterfront

-
Kumana si Robson Bornancin ng 11 puntos bukod pa ang paghatak ng 10 rebounds upang pamunuan ang opensa ng UP Waterfront Hotel sa 63-54 panalo kontra University of Assumption sa pagpapatuloy ng 1st Crystal Spring PYBL Title Cup sa Makati Coliseum kahapon.

Ang panalong ito ng Hoteliers ang nagbangon sa kanila mula sa natamong 63-55 kabiguan kamakalawa sa mga kamay ng Regent Cheeseballs kung saan di nakapaglaro si Bornancin sanhi ng disciplinary action matapos na di ito sumipot sa ensayo, habang nalasap naman ng University of Assumption ang kanilang unang pagkatalo matapos ang apat na laro.

"We concentrated on defense," ani UP-Waterfront mentor Ryan Gregorio kung saan sumandig din ito sa mahusay na depensa nina Welihalde Duyag, Roel Galura at Vincent Santos.

Tumapos si Xavier Nunag ng 14 puntos kabilang ang krusiyal na apat na free throws ang naghatid sa Hoteliers sa pangunguna.

CRYSTAL SPRING

MAKATI COLISEUM

REGENT CHEESEBALLS

ROBSON BORNANCIN

ROEL GALURA

RYAN GREGORIO

TITLE CUP

UNIVERSITY OF ASSUMPTION

VINCENT SANTOS

WATERFRONT HOTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with