RP Tracksters pinuri ng PSC
May 5, 2001 | 12:00am
Pinuri ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Carlos D. Tuason ang mga miyembro ng Philippine Team para sa kanilang performance kahapon sa pagpapatuloy ng 47th Thailand Amateur Track and Field Open na ginaganap sa Bangkok.
"The PSC is proud of these athletes who trained hard and gave their best to give honors to the country," wika ni Tuason.
Ipinagmamalaki ni Tuason na napansin ng Thailand Open ang galing na ipinamalas ng bansa bagamat namumukud-tangi ang Philippine Team na walang foreign coaches kung ikukumpara sa ibang competing teams.
Namayagpag si John Lozada sa 1,500-meter run habang sina Roy Vence at Crisanto Canillo kapwa tumakbo ng 10,000m ay nagwagi ng silver at bronze ayon sa pagkakasunod. Nakuha naman ni Joebert Delicano ang silver sa long jump samantalang si Ernie Candelario ay nanalo ng bronze sa 400-meter distance run.
Binati rin ni Tuason si Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) president Go Teng Kok para sa magaling na performance na ipinakita ng mga bata nito.
Isang paghahanda ang Thailand Open para sa PATAFA para sa nalalapit na Southeast Asian Games na gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Setyembre.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended