^

PSN Palaro

Efren "Bata" muling sasagupa kay Strickland "The Pearl"

-
Magiging punong-abala ang Casino Filipino, Parañaque City, sa nakatakdang sagupaan sa pagitan ng dalawang mahuhusay na pool players sa daigdig--sina Earl "The Pearl" Strickland at ang tinaguriang "The Magician" Efren "Bata" Reyes sa The Color of Money Part II sa huling bahagi ng linggong ito.

Ang five-time world champion at five-time winner ng US Open na si Strickland ay nakatakdang dumating sa bansa ngayong ala-1:45 ng hapon mula Japan kung saan siya ay sasalubungin ni Reyes sa airport upang maagang bigyan ng pressure ang paminsan-minsan ay sumpungin na American ace.

Sa kabila nito, umaasa si Reyes, nagposte ng makapagil hiningang come-from-behind na panalo sa "The Color of Money Part 1" na ginanap sa Hongkong, apat na taon na ang nakakalipas nang kanyang walisin ang 17th rack deficit sa pamamagitan ng final session ng race to 120 na madu-plika ang kanyang naging tagumpay at maipaghi-ganti ang nalasap na talo sa mga kamay ni Strickland noong nakaraang Disyembre sa "US-Philippines 9-Ball Challenge" na idinaos sa punong-punong Metropolis Star Mall sa Alabang.

Muling hinamon ni Strickland si Reyes matapos ang pamamayani ng Filipino cue artist sa San Miguel Beer sponsored ‘Supreme Masters of Billiards" na ibig niyang patunayan na siya pa rin ang "the master of the supreme master."

Tahimik lamang si Reyes at kumpiyansa ito na magiging maganda ang kanyang kampanya sa race to 33 kung saan siya ay susuportahan ng hometown crowd.

Ang unang session ay isang race to 11 na gaganapin sa alas-7 ng gabi sa Huwebes (Marso 29). Ang ikalawang session ay isa ring race to 11 na magsisimula naman sa alas-3 ng hapon sa Sabado (Mar. 31) at ang ikatlo at deciding session ay magsisimula sa una hanggang sa makarating ang isang manlalaro sa kabuuang 33 racks na magsisimula sa alas-7 ng gabi.

vuukle comment

ALABANG

BALL CHALLENGE

CASINO FILIPINO

COLOR OF MONEY PART

METROPOLIS STAR MALL

REYES

SAN MIGUEL BEER

STRICKLAND

SUPREME MASTERS OF BILLIARDS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with