^

PSN Palaro

Avon 10K Run ilalarga sa Peb. 18

-
Sa ikalawang sunod na pagkakataon, susuportahan ng Peninsula Manila ang Avon Running 10K National Championship na nakatakda sa Linggo (Pebrero 18) sa Makati City.

At dahil sa kanilang pagiging opisyal sponsor, inaasahang tutulong ang Peninsula Manila sa Avon sa kanilang kampanya na maging punong abala ng Avon Running Global Women’s Circuit 10K Championship sa taong 2003 kung saan kasali rin sa bidding ang Malaysia, Thailand at Germany.

Bukod kay Marigen Campos, nanalo sa Avon regional run sa Bacolod noong nakaraang taon, itataguyod rin ng Avon ang paglahok ng mga top regional runners mula sa Davao, Cebu, Cagayan de Oro at Baguio sa finals ng naturang event.

Nagkumpirma rin ng paglahok ang defending champion Christabel Martes, ang pinaka-dominanteng babaeng mananakbo ng bansa sa finals kasama ang kanyang mahigpit na karibal na si Hazel Madamba.

Aabot sa 3000 kababaihang runners ang inaasahang sasali sa event na ito na may nakalaang malalaking premyo para sa 10K run. Bukod dito, mayroon ding 5K run bilang side event.

Kasalukuyan ng ginaganap ang patalaan sa Greenhills Theater lobby at sa lahat ng Avon branches sa Makati, Taft Ave., EDSA, Shaw Blvd., Las Piñas, Sampaloc at Malolos. Ang entry fee ay P75 at hanggang Pebrero 12 na lamang ang huling araw para magparehistro.

vuukle comment

AVON

AVON RUNNING

AVON RUNNING GLOBAL WOMEN

BUKOD

CHRISTABEL MARTES

GREENHILLS THEATER

HAZEL MADAMBA

LAS PI

MAKATI CITY

PENINSULA MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with