^

PSN Palaro

8-taong nakatali sa Alaska si Duremdes

-
Pagkaraang mabusisi nang husto ng Office of the Commissioner ng Philippine Basketball Association ang offer sheet ng Mobiline Phone Pals kay Kenneth Duremdes, agad itong ibinigay sa Alaska management at hindi na nagpatumpik-tumpik pa at agad nitong tinapatan ang pinakamayamang contract sa kasaysayan ng PBA.

Klinasipika nina Commissioner Jun Bernardino at ng kanyang staff ang anim na items sa offer sheet ng Mobiline at wala naman silang nakitang kakaiba.

Ayon sa offer sheet ng Phone Pals, si Duremdes ay tatanggap ng P500,000 kada buwan mula taong 2001 hanggang sa pagtatapos ng 2008 season at klinasipika na bawat practice, out-of-town games allowances bilang bahagi ng kanyang buwanang bayad at isama sa P500,000.

May libreng mobile telephone na may halagang P5,000 airtime bawat buwan at kabuuang 16 na tiket tuwing may laro.

"We will keep Kenneth at all cost," ani Uytengsu sa naunang panayam.

Sa bagong kontrata, nakasaad din na kailangan niyang tumanggap ng bonus na 150% kung makakapasok sila sa Finals. At ang magwagi ng titulo ay nangangahulugan ng tumataginting na milyon para kay Kenneth. At bawat pagpasok ng Alaska sa quarterfinals, siya ay mabibigyan ng dalawang round-trip ticket sa US (business class).

Ang game at bawat yugtong bonuses para sa isang team bawat conference ay hindi dapat lumagpas ng 40% sa salary cap ng team bawat taon. Ang bawat team ay may salary cap na P36.6 milyon, na ibig sabihin ang kabuuang gagastusin ng PBA club sa bawat napagwagiang laban at bawat conference ay hindi dapat lumagpas sa P14.520 milyon bawat conference.

Si Duremdes ay kikita ng halagang P20,000 tuwing mananalo sa eliminasyon ang bawat team sa unang tatlong taong deal at tataas ng P25,000 sa susunod na tatlong taon bago mananatili sa P30,000 sa huling dalawang season.

Ang package na inalok ng Mobiline ay kapapalooban din ng magandang career achievement bonus scheme na P1 milyon bawat MVP award sa bawat taon ng walong taong kontrata ni Duremdes.

Ang makasama sa Mythical five ay nagkakahalaga ng P500,000: Mythical 10 at Defensive Team P250,000 at Sportsmanship Award, P150,000. Ang Best Player of the Conference citation ay nagkakahalaga naman ng P500,000 at isang Toyota Siquoya o P1.5 million.

Ang career achievement bonus scheme ay hindi kabilang sa team salary cap computations.

ANG BEST PLAYER OF THE CONFERENCE

BAWAT

COMMISSIONER JUN BERNARDINO

DEFENSIVE TEAM

DUREMDES

KENNETH

KENNETH DUREMDES

MOBILINE

MOBILINE PHONE PALS

OFFICE OF THE COMMISSIONER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with