^

PSN Palaro

Game 5 isinuko ng Negros Slashers

-
Opisyal na napagwagian ng San Juan Knights ang Game 5 ng MBA National Finals matapos na isuko ng Negros Slashers ang karapatang muling ituloy ang laban sa nalalabing 11:38 segundo ng final canto na ginanap sa Bacolod City noong nakaraang Linggo.

Bunga nito, hawak na ngayon ng Knights ang 3-2 bentahe sa kanilang best-of-seven titular series at kailangan na lamang nilang manalo sa Sabado sa kanilang home court upang tuluyan ng ibulsa ang korona ng Nationals.

Lamang ang Knights ng 22 puntos, 87-65, may 11:38 segundo ang nalalabi sa tikada sa Game 5 noong Linggo na ginanap sa USLS Coliseum sa Bacolod City kung saan dito naganap ang isang kaguluhan na tinampukan ng batuhan ng iba’t ibang bagay sa playing area sanhi upang itigil ang naturang laro.

Nauna rito, umapela ang Negros na i-replay na lamang ang laban sa halip na muling ituloy ang nalalabing oras, ngunit tumanggi si MBA Commissioner Gregorio Narvasa at sinabi nito na ituloy na lamang ang laban na idaraos sa Ateneo Gym sa Quezon City.

ATENEO GYM

BACOLOD CITY

BUNGA

COMMISSIONER GREGORIO NARVASA

LAMANG

LINGGO

NATIONAL FINALS

NEGROS SLASHERS

QUEZON CITY

SAN JUAN KNIGHTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with