^

PSN Palaro

Adidas King of the Road tatakbo na sa Linggo

-
Sa pagsapit ng madaling araw sa Linggo, mahigit sa 4,500 runners sa lahat ng edad ang lalahok sa apat na magkakaibang distansiya sa kanilang kampanya sa karangalan ng Adidas King of the Road, sa 3K, 5K, 10K at 21K race.

Nasa ikatlong taon na, ang karera ngayon ay humakot ng pinakamaraming runners sa unang pagkakataon, makaraang ibilang ng organizers ang inter-school competition para sa may pinakamaraming bilang ng finishers at ang 3K kiddie fun run.

"Pamantasan ng Makati alone has already registered around 2,000 of its students and we are certainly heartened by the positive response from different Metro Manila schools to get young people involved in sports," ani Adidas marketing director Sonny Nebres.

Inaasahang magbibigay ng mabigat ng laban kay Eduardo Buenavista sa 21K half marathon sina 5-time Milo marathon champion Roy Vence, Allan Ballester, Daud Mama, Crisanto Canillo Jr. at ang beteranong si Rey Antoque. Sa kababaihan, hahamon naman kay Christabel Martes sina Yakult 10-Miler winner Hazel Madamba, Melinda Manahan, Juvy Madridea Jona Gayumba-Atienza at ang nagbabalik na si Enate Sayrol.
Ang naturang karera na suportado ng Milo, Gatorade at Viva Mineral Water ay magsisimula at magtatapos sa CCP Complex grounds sa eksaktong alas-6 ng umaga.

Pinapaalalahanan ni race organizer Rudy Biscocho ang lahat ng runners na dumating sa starting line sa ganap na alas-5 ng umaga para sa check-in procedure.

ADIDAS KING OF THE ROAD

ALLAN BALLESTER

CHRISTABEL MARTES

CRISANTO CANILLO JR.

DAUD MAMA

EDUARDO BUENAVISTA

ENATE SAYROL

HAZEL MADAMBA

JUVY MADRIDEA JONA GAYUMBA-ATIENZA

MELINDA MANAHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with