^

PSN Palaro

Yakult 10 Miler magsisimula na

-
Umulan man tuloy ang paglarga ng Yakult 10 Miler, isa sa pinakamahabang karera sa bansa na ngayon ay nasa ika-12th taon sa darating na Linggo simula sa alas-6 ng umaga mula sa Cultural Center of the Philippines (CCP) grounds na tinatayang aabot sa 2,500 runners sa lahat ng klase ng edad ang lalahok sa tatlong distance event na ito.

At dahil sa kanilang layunin na i-promote ang sports na ito, lalo na ang medium at long distance running, naglagay ang Yakult Phils., Inc., ng 3K side event para sa kabataan at 5K fun run at ang main event na 10 Miler na humakot ng atensiyon ng mahuhusay na runners ng bansa.

Tampok sa men’s division ng ten mile run ang karera sa pagitan ng dalawang runners na may magkaibang pananaw. Ibig patunayan ng sumisikat na si Eduardo Buenavista na siya ang kasalukuyang hari ng local running event, habang nais namang ipamalas ng tinaguriang old running warrior na si Rey Antoque na hawak pa rin niya ang porma na nagputong sa kanya upang manatiling nangunguna sa mga running scene sa bansa.

Sa women’s division, inaasahan na mas magiging mahigpit ang labanan dahil sa pagpasok ng mga batang middle distance specialist na sina Melinda Manahan at Hazel Madamba at ang nagbabalik na si Enate Sayrol, mahaharap sa mas mabigat na hamon si dating Milo Marathon champion Jona Gayumba.

"Even as we expect a tough competition between the elite runners, the bulk of the participants this Sunday, which features of the biggest field for the year, will be running for fitness and fun, and trying to set new personal best times," ani Yakult 10 Miler organizer Rudy Biscocho. At idinagdag niya na umulan man o umaraw, tuloy pa rin ang karera at kailangan na ang mga kalahok ay nasa starting area sa Vicente Sotto St., sa loob ng CCP grounds na hindi lalampas sa alas-5 ng umaga para sa pre-race briefing at check-in. Wala ng pahihintulutan pang magpatala sa mismong araw ng karera.

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

EDUARDO BUENAVISTA

ENATE SAYROL

HAZEL MADAMBA

JONA GAYUMBA

MELINDA MANAHAN

MILO MARATHON

REY ANTOQUE

RUDY BISCOCHO

VICENTE SOTTO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with