^

PSN Palaro

Davenport umusad sa quarterfinals ng Swisscom Challenge

-
ZURICH, Switzerland--Nakapasok si Lindsay Davenport sa quarterfinal ng Swisscom Challenge noong Miyerkules nang kanyang patalsikin si Sabine Appelmans ng Belgium, 6-2, 6-1 para sa kanyang unang laro matapos na mag-withdraw sa Sydney Olympics sanhi ng foot injury.

Ginapi naman ng fourth-seed na si Anna Kournikova ng Russia ang kababayang qualifier na si Tatiana Panova, 6-3, 6-3, habang isa pang qualifier naman na si Anastasia Myskina ang nagtala ng malaking upset nang kanyang talunin ang Olympic finalist na si Yelena Dementyeva, 6-4, 2-6, 6-1.

Nakausad ang seventh-seed Amerikanang si Chanda Rubin sa susunod na round makaraang magretiro ang German qualifier na si Jana Kandarr sanhi ng abdominal strain sa 6-2, 2-0 iskor.

Bagamat ang naging laro ni Davenport ay hindi gaya ng dating intensibo matapos ang tatlong linggong pahinga, nakakuha naman siya ng mga pun-tos na siya niyang kailangan kung saan humakot ito ng tatlong sunod na aces na naghatid sa kanya sa tagumpay.

ANASTASIA MYSKINA

ANNA KOURNIKOVA

CHANDA RUBIN

JANA KANDARR

LINDSAY DAVENPORT

SABINE APPELMANS

SWISSCOM CHALLENGE

SYDNEY OLYMPICS

TATIANA PANOVA

YELENA DEMENTYEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with