PRAMA-UNIC Football for Peace nagsimula na
October 10, 2000 | 12:00am
PAGADIAN CITY--Nagsipagtala ng kani-kanilang panalo ang Zamboanga del Sur National High School young warriors, Zamboanga del Sur NHS-Sta. Lucia annex at Pagadian City Pilot School sa 12-14 years old category sa pagsisimula ng hostilidad ng kauna-unahang Philippine Retirement Authority Members Association Foundation, Inc.- United Nationals Information Center (PRAMA-UNIC) Football for Peace sa Pagadian football field.
Naglaro sa tig-70 minuto, binuksan ng ZSNHS warriors ang kanilang kampanya sa 14-under division sa pamamagitan ng 7-0 pamamayani kontra sa Zamboanga del Sur School of Arts and Trade bago kumana naman ang ZSNHS-Sta. Lucia annex ng 8-0 tagumpay kontra sa Southern Mindanao College High School dept., sa second game.
Binokya naman ng Pagadian City Pilot School ang Napulan National High, 2-0.
Sa iba pang laro, minasaker ng Columban College HS dept., ang Southern Mindanao MHS, 9-1; dinomina ng ZSNHS ang ZSNHS-Sta. Lucia annex, 9-0, habang binomba naman ng Zamboanga del Sur School of Arts and Trade ang Napulan High, 4-0 sa 15-18 years old category.
Sa 19-21 division, pinabagsak ng Columban College ang Mindanao Colleges B, 6-0; hiniya ng AMA Computer Learning Center ang Pagadian City College of Criminology and Science, 7-2 habang niyanig ng Southern Mindanao Colleges A ang Santos Football Club, 4-0.
Sa distaff side open group, blinangka ng Pagadian City College of Criminology varsity A ang Western Mindanao State U, 5-0; naungusan ng Napulan NHS-B ang Manga NHS, 1-0 habang pinigil naman ng Zamboanga DNHS main ang ZSNHS-Sta. Lucia annex sa 0-0.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended