^

PSN Palaro

Hussein personal na sasalubungin ni Pacquaio sa airport

-
Personal na sasalubungin ngayon ni WBC International super bantamweight Manny Pacquiao sa Ninoy Aquino International Airport si Nadel Hussein.

Darating ngayong gabi si Hussein kasama ang kanyang manager/trainer na si Jeff Fenech, sakay ng Qantas Airlines para sa kanyang pakikipaglaban kontra kay Pacquiao sa Sabado, October 14 sa Yñares Sports Center sa Anti-polo City.

"Gusto ko na talaga siyang makita, kasi ‘yung tape na nakita ko, iba doon sa picture, kaya gusto ko sa personal ko na kaagad siya makakaharap," pahayag ni Pacquiao. "Siyempre, gusto ko na rin ipakita sa kanya na mababait tayong mga Pinoy, kaya ako mismo ang magwe-welcome sa kanya."

Ang laban na tinaguriang ‘Encounter in Antipolo’ na promoted ng Elorde International Productions ni Gabriel ‘Bebot’ Elorde ay suportado ng Rizal Provincial Governor Casimiro Yñares Jr., San Miguel Beer, PAGCOR at Elorde Sports Center.

Ang laban ay ipapalabas na bahagyang delayed sa IBC 13 sa alas-10:00 ng gabi sa Sabado.

Magkakasukatan ng lakas sina Pacquiao at Hussein gayundin ang mga maglalaban sa dalawang international fights sa undercard sa press preview sa Miyerkules sa Elorde gym.

"Mabigat ang labang ito. Maganda ang record ni Hussein at saka hindi naman talaga siya Australian, Lebanese talaga siya, kaya hindi ko alam kung anong klaseng boxer ang mga taga-Lebanon," ani Pacquiao.

Ang dalawa pang ibang international bouts ay katatampukan nina Manny Melchor laban kay Zarlit Rodrigo para sa WBC International minimum weight crown at Randy Mangubat laban kay Jong Wan Kim ng Korea para sa bakanteng flyweight title.

Ang mga tickets ay mabibili sa Yñares Center na may tel. no. 650-1239 at 696-1487; Rizal Provincial Capitol (635-3448); at Elorde Sports Center (829-9721/27 at 541-9398).

ELORDE

ELORDE INTERNATIONAL PRODUCTIONS

ELORDE SPORTS CENTER

HUSSEIN

JEFF FENECH

JONG WAN KIM

MANNY MELCHOR

NADEL HUSSEIN

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with