^

PSN Opinyon

Paano malalaman kung nasisira na ang kidneys

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

1. Kung ang isang tao ay may diabetes o high blood pressure, bantayang mabuti ang kidneys. Ang diabetes at altapresyon ay nakasisira sa kidneys pagkaraan ng limang taon pataas. Bantayan at i-kontrol ang antas ng blood sugar at blood pressure. Magagawa ito sa pamamagitan ng diyeta, ehersisyo at pag-inom ng maintenance na gamot.

2. Kadalasan, walang nararamdaman ang mga may sakit sa kidneys. Kapag may kidney failure na, humihina na ang daloy ng ihi. Huwag paabutin sa ganitong kondisyon bago magpagamot.

3. Makikita sa urinalysis kung may impeksyon, dugo o protina sa ihi. Kapag nag-positibo sa albumin sa urinalysis, maaaring may sakit na sa kidneys. Magpatingin sa kidney specialist.

4. Kapag mataas ang creatinine level, ibig sabihin ay posibleng may sira na ang kidneys. Kadalasan, tumataas lamang ang creatinine kapag may 50 percent damage ang kidneys. Magpatingin agad sa doktor.

5. Huwag sobrahan ang pag-inom ng Vitamin C. Hanggang 500 mg lang ng Vitamin C ang nirerekomenda. Ang sobrang vitamin C ay puwedeng magdulot ng kidney stones. Ang kidney stones ay puwedeng umabot sa kidney failure kapag hindi naagapan.

6. Limitahan ang paggamit ng pain relievers. Ang mga ­pangkaraniwang pain relievers tulad ng mefenamic acid, ibuprofen, at mamahaling pain relievers tulad ng celecoxib ay puwedeng makasira ng kidneys. Kailangan ay limitahan ang paggamit nito sa isang linggo lamang. Pagkatapos ay ipapa­hinga muna ang kidneys, bago muling bigyan ng gamot sa kirot. Kaya kung ika’y may arthritis, lagyan na lang ng mainit na tubig ang tuhod at gumamit ng paracetamol tablet.

7. Uminom ng sapat na tubig araw-araw. Ang pangkaraniwang payo ng doktor ay ang pag-inom ng walong basong tubig sa isang araw. Makatutulong ito sa pag-iwas sa kidney stones o bato sa bato.

8.Bawasan ang alat sa pagkain at limitahan ang protina sa pagkain. Kumain ng isda, gulay at prutas.

vuukle comment

DOC WILLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with