^

Bansa

Payo ng Obispo sa mga kandidato: Iwasan plastic campaign materials

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan ang isang Obispo ng Simbahan Katoliko sa mga kakandidato ng 2025 midterm elections na iwasan ang paggamit ng plastic campaign materials na makakasira sa kalikasan. 

Sinabi ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy na mahalagang ikunsidera ng mga nais magserbisyo sa publiko na pinangangalagaan din nila ang kapaligiran.

“An essential aspect of public service is caring for the environment. I urge all candidates for public office to thoughtfully choose biodegradable cloth tarps instead of plastic ones,” ani Bishop Uy.

Dapat na ipakita ng mga kakandidato ang kanilang political will sa panahon ng kampanya sa pagbibigay ng pansin sa kasalukuyang sitwasyon ng mundo na nahaharap sa matinding epekto ng climate change.

Nabatid na sa Oktubre 1 hanggang Oktubre 8 na ang itinakda ng Commission on Elections(Comelec) na paghahain ng certificate of candidacy (COC) para sa halalan sa susunod na taon.

Ang 90-day campaign period ng national candidates ay sa Pebrero 11, 2025 habang sa Marso 28, 2025 naman ang 45-day campaign ng local candidates.  

ELECTIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with