^

Bansa

Marcos ipinakilala 12 pambato sa Senado sa 2025

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Marcos ipinakilala 12 pambato sa Senado sa 2025
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ‘Alyansa Para sa Bagong Pilipinas’ convention na nagpatibay sa alyansa ng limang major political party sa bansa: Partido Federal ng Pilipinas (PFP), Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD), Nationalist People’s Coalition (NPC), Nacionalista Party (NP), at National Unity Party (NUP). Ginawa ang convention sa PICC, Pasay City kahapon kasama sina South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. (PFP), House Speaker Ferdinand Martin Romualdez (Lakas-CMD), Presidential Adviser on Legislative Affairs at PLLO Secretary Mark Llandro Mendoza (NPC), Sen. Mark Villar (NP), at Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Raymund Villafuerte Jr. (NUP).
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Ipinakilala na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kandidato ng administrasyon sa pagka-Senador para sa darating na 2025 national elections.

Ang anunsiyo para sa magic 12 na mula sa iba’t ibang partido ay ginawa ng Pangulo sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas Convention sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

Kabilang sa magic 12 ng administrasyon ay sina ­dating Senador Manny Pacquiao; DILG Secretary Banhur Abalos at Senador Francis Tolentino na pawang mula sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ni Pangulong Marcos.

Kabilang din sina dating Senador Bong Revilla at Erwin Tulfo na galing sa Lakas-CMD.

Habang pasok din sa admin slate sina dating Senador Tito Sotto; Ping Lacson, Lito Lapid at Makati City Mayor Abby Binay na galing naman sa Nationalist People’s Coalition (NPC).

Samantala, pambato naman ng Nacionalista Party sina Senador Pia Cayetano; Las Piñas Congresswoman Camille Villar at Sen. Imee Marcos na tanging hindi nakadalo sa pagtitipon.

Ayon sa Pangulo, hindi nakadalo ang kanyang kapatid dahil nauna na itong nangangampanya.

Sa 12 kandidato, pito ang galing sa House of Representatives at walo ang beteranong Senador.

Sa nasabing line up, apat ang humawak ng cabinet rank at apat naman ang abogado.

Nabatid naman na tuwing araw ng Huwebes, sasama si Pangulong Marcos sa pangangampanya sa 12 kandidato.

 

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with