^

Pang Movies

Sen. Robin, 30 taong hinintay si Gringo

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Sen. Robin, 30 taong hinintay si Gringo
Gringo

Hindi ikinakaila ng action star-turned senator na si Sen. Robin Padilla na hindi umano niya inaasahan na mapupunta sa kanya ng papel ng celebrated and bemedalled military officer-turned politician na si dating Sen. Gringo Honasan na mahigit 30 taon umano niyang hinintay.

Kung kelan halos give-up na si Sen. Robin na mapupunta sa kanya ang proyekto ay dumating naman ito sa panahon na hindi na umano niya inaasahan.

As early as the 1980s ay gusto nang isapelikula ni Sen. Robin and buhay nito pero hindi pa umano handa ang dating military officer na naging sentro ng coup d’etat nung panahong ni dating pangulong Cory Aquino.

During the announcement of the project, kitang-kita sa kanya ang excitement na sa wakas ay maisasakatuparan na rin ang pagsasapelikula niya ng buhay ni dating Sen. Gringo Honasan na kanyang iniidolo.

Pinamagatang GRINGO: The Gregorio Honasan Story mula sa panulat ng Palanca award-winning writer na si Eric Ramos at magkatulong na direksyon nina Lester Maranan at Abdel Langit under Borracho Films ni Atty. Ferdie Topacio and partners, nasa negosasyon pa umano ang Megastar na si Sharon Cuneta na siyang planong itambal kay Sen. Robin to play the role of Mrs. Jane Umali-Honasan, ang mabait ngunit matapang na wife nito. Shooting commen­ces this July and the movie is intended for the 50th Metro Manila Film Festival.

Carlo, may kailangan pang gawin sa anak

Pareho nang may asawa ngayon ang dating magkasintahang Angelica Panganiban at Carlo Aquino. At pareho na rin silang may tig-isang anak na babae.

Sa dalawa, si Angelica ang unang nag-asawa sa kanyang non-showbiz husband, ang businessman na si Gregg Homan habang kamakailan lamang ay ikinasal si Carlo sa young actress na si Charlie Dizon pero ang ina ng anak ni Carlo ay ang ex-girlfriend niyang si Trina Candaza.

Dalawang beses nagpakasal sina Angelica at Gregg. Una sa isang intimate civil wedding sa Los Angeles, California, USA nung Dec. 31, 2023 kung saan present ang kanyang mga kaibigang sina Kim Chiu at Bela Padilla.

Inakala na si Trina ang pakakasalan ni Carlo pero nagkahiwalay ang dalawa when their daughter was barely two years old. May kailangan pa umanong gawin ang actor para maging smooth ang kanilang desisyon pagda­ting sa kanilang anak na si Enola Mithi.

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with