^

Bansa

Mga smuggler ng yosi isumbong — Malakanyang

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mga smuggler ng yosi isumbong — Malakanyang
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, bagama’t nagpapatuloy ang operasyon ng Bureau of Customs (BOC), Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI), mayroon pa ring mga kontrabandong nakalulusot.
STAR / File

MANILA, Philippines — Hinikayat ng Malakanyang ang publiko, lalo na sa Mindanao, na i-report ang mga hinihinalang sangkot sa smuggling ng sigarilyo.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, bagama’t nagpapatuloy ang operasyon ng Bureau of Customs (BOC), Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI), mayroon pa ring mga kontrabandong nakalulusot.

Binigyang-diin ni Castro na malaking kawalan sa kita ng gobyerno ang ilegal na bentahan ng smuggled na sigarilyo dahil hindi ito nagbabayad ng tamang buwis. Aniya, mahalagang makiisa ang publiko upang matukoy at mapanagot ang mga responsable.

Ginawa niya ang pahayag kasabay ng sunod-sunod na pagkakasabat ng mga awtoridad sa milyun-milyong pisong halaga ng kontrabando sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao.

SMUGGLER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with