^

Bansa

Meralco minamadali maibalik kuryente ng 49K customer

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Naapektuhan ng habagat

MANILA, Philippines — Puspusan ang isinasagawang pagtatrabaho ngayon ng Manila Electric Company (Meralco) upang maibalik ang suplay ng kuryente ng libu-libong kustomer nila na naapektuhan ng habagat.

Sa pinakahuling datos ng Meralco hanggang alas-4 ng hapo  ng Linggo ay nasa 49,000 kustomer na ang apektado ng mga naantalang serbisyo ng kuryente.

Ayon sa Meralco, halos kalahati ng mga ito ay matatagpuan sa mga binahang lugar.

Karamihan umano sa mga ito ay nasa bahagi ng Cavite, Bulacan, at Metro Manila.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Meralco Vice President and Head of Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga ang publiko na umiwas muna sa mga naputol at nasirang linya at pasilidad ng kuryente na posibleng nalubog sa baha upang makaiwas sa posibleng disgrasya.

Siniguro rin niya na ginagawa ng kanilang mga tauhan ang lahat upang maibalik sa normal ang suplay ng kuryente sa mga apektadong lugar.

HABAGAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with