PANOORIN: Marcos, nagkomento sa 'galit' ni VP Sara Duterte
MANILA, Philippines — Walang direktang sagot si Pangulong Bongbong Marcos sa mga isyung kinahaharap ni Vice President Sara Duterte, kabilang ang impeachment trial at arrest warrant laban sa kanya, at sa mga pahayag nito tungkol sa umano'y plano ni Marcos laban sa kanya.
"If she feels very angry, I suppose, with what’s happening to her. And I am the target of that anger, or the main target of that anger. What can I do? You cannot force anyone to love you," ani Marcos sa Kapihan with the Media sa India nitong Linggo, September 13.
Nagpapatuloy ang impeachment trial laban sa bise presidente nitong Lunes, September 14, kung saan sinimulan ang paglalahad ng ebidensiya sa Article II, na nag-aakusa sa kanya ng unexplained wealth.
Nanawagan si Duterte sa pagbitiw sa puwesto ni Marcos, na tinawag niyang "problema" ng bayan, noong September 11 matapos siyang humarap sa Quezon City Hall of Justice, kung saan ipinagpaliban ang kanyang arraignment sa tatlong bilang ng grave threats.
Sa isang social media post noong Sept. 7, sinabi ni Duterte na may umano'y pagbabanta si Marcos laban sa kanya noong 2024 pa lamang.
Bago nito, nagpiyansa si Duterte sa Quezon City Hall of Justice nitong September 5 matapos ihain ang arrest warrant laban sa kanya kaugnay ng kasong grave threats.
- Latest



















