3 raliyista nanuntok ng pulis, nasakote

MANILA, Philippines — Nagpalabas ng warrants of arrest ang Metropolitan Trial Court (MTC) laban sa tatlong raliyista na nanakit sa isang pulis na nagdodokumento sa nagaganap na rally noong Labor Day, Mayo 1, 2026, ayon sa Manila Police District (MPD) nitong Sabado.
Ayon sa MPD, ang tatlong respondents sa kasong paglabag sa “Article 153 ng Revised Penal Code, or tumults and other disturbances of public order”.
Hindi naman pinangalanan ang tatlo na pawang kasama sa mga nagsasagawa ng kilos-protesta sa TM Kalaw Avenue, sa Ermita.
Sa ulat, ang pulis ay nakaranas ng suntok, kalmot, at palo ng kawayan, at tinangayan pa diumano ng cellphone.
Ang grupo ng raliyista ay unang nagtipun-tipon sa Welcome Rotonda at nagmartsa sa Mendiola at sa TM Kalaw at Roxas Boulevard kung saan sila pinigilang makalapit sa US Embassy.
Iniutos naman ni MPD Director PBGen. Arnold Santiago na ipatupad ang kautusan ng korte, kasabay ng gabay na tamang pag-aresto na hindi malalabag ang karapatan ng mga sangkot.
- Latest
















