^

Metro

NCAP balik na sa Metro Manila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
NCAP balik na sa Metro Manila
A photo taken on July 1, 2022 shows a sign warning motorists of Quezon City’s no contact apprehension policy is seen at the corner of Kamias Road and Kalayaan Avenue.
The STAR/Jesse Bustos, file photo

MANILA, Philippines — Ipatutupad na uli ang No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa anim na lungsod sa Metro Manila simula Lunes, Oktubre 5, matapos alisin ng Korte Suprema ang temporary restraining order (TRO) laban sa pagpapatupad nito.

Kabilang sa mga lungsod na muling magpapatupad ng NCAP ay ang Maynila, Quezon City, Valenzuela, Parañaque, San Juan at Muntinlupa.

Noong Hulyo 9 nang ibinasura ng Korte Suprema ang pinagsama-samang petisyon na kumukuwestiyon sa pagpapatupad ng NCAP sa limang local government unit (LGU). Inalis ang TRO na inilabas noong Agosto 30, 2022 laban sa mga lungsod at sa Land Transportation Office (LTO).

Sa ilalim ng NCAP, gumagamit ng CCTV, digital camera at iba pang teknolohiya upang matukoy at maitala ang mga sasakyang lumalabag sa batas trapiko, sa halip na direktang sitahin ng mga traffic enforcer sa kalsada.

Ang mga motoristang mahuhuling lumabag ay papatawan ng standardized fines alinsunod sa Metro Manila Traffic Code of 2023. Maaari nilang tingnan ang kanilang mga violation alert at magba­yad online sa pamamagitan ng mga portal ng kani-kanilang LGU.

Maaari ding suriin ng mga motorista ang kanilang NCAP violations sa Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) sa pamamagitan ng eGov­PH Super App. Mayroon ding online procedure para i-contest ang violation kung naniniwala silang mali ang pagkakarehistro nito.

NCAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with