^

Metro

Crackdown vs TBS tuloy - Remulla

Doris Franche-Borja, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Crackdown vs TBS tuloy - Remulla
Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla on December 19, 2025
Miguel de Guzman / The Philippine STAR

Kahit itangging sangkot sa krimen

MANILA, Philippines — Nanindigan si Interior Secretary Jonvic Remulla sa kanyang kautusang paigtingin ang operasyon laban sa True Brown Style (TBS), sa kabila ng pagtanggi ng grupo sa alegasyong sangkot sa kriminalidad ang mga miyembro nito.

Ayon kay Remulla, may impormasyon nagre-recruit umano ang TBS ng mga kabataang may edad 14 hanggang 15 at hinahasa ang mga ito para masangkot sa mga gawaing kriminal. Sinabi rin niyang may presensya umano ang grupo sa lahat ng local government units sa Metro Manila at sa 78 sa 83 lalawigan ng bansa, partikular sa mga urban center.

Iginiit naman ng TBS na hindi lahat ng gumagamit ng pa­ngalan o affiliation nito ay sangkot sa krimen. Kabilang umano sa kanilang mga miyembro ang mga propesyonal, manggagawa, magulang, negosyante at iba pang ordinaryong mamamayang sumusunod sa batas.

Tinawag ni Remulla na “cosmetic attempts” ang pahayag ng grupo at sinabing hindi sapat ang paggawa ng mabuti upang mabura ang iba pang umano’y paglabag. Gayunman, sinabi ni Remulla na bukas siya sa dayalogo kung handang mangako ang TBS na itigil ang mga aktibidad na iniuugnay dito.

“Of course, but a dialogue must come with a commitment to stopping their nefarious activities,” ani Remulla sa ambush interview nitong Huwebes.

JONVIC REMULLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with