^

Bansa

Tulfo naghain ng resolusyon vs bill shocks

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naghain si Senate Committee on Energy Chairman Erwin Tulfo ng Senate Resolution No. 535 para imbestigahan ang paulit-ulit na biglaang pagtaas ng singil sa kuryente, na layong makabuo ng pro-consumer na polisiya upang permanenteng maresolba ang problema.

Tinukoy ng senador ang reklamo ng publiko sa bill shocks, komplikadong billing statement, maling pagbasa ng metro at power interruptions. “Wala po ba talagang magagawa ang gobyerno? Kung pangit na ang serbisyo ng electric cooperative at sinusuka na ng taong bayan, wala po tayong magagawa?” aniya.

Giit ni Tulfo, dapat balansehin ang karapatan ng mga utility na mabawi ang lehitimong gastos at ang karapatan ng mga mamimili sa patas, malinaw at makatuwirang singil. Dagdag pa niya, “Tayo po ang may pinakamataas na singil ng kuryente sa Southeast Asia. Huwag nating hayaang pasanin lang ng kababayan natin iyan habang hindi tumataas ang sahod.”

Layunin ng resolusyon ang malalimang imbestigasyon at pangmatagalang patakaran sa kuryente na pabor sa konsyumer. “Habang ako ang Chairman ng Senate Energy Committee, magiging maagap tayo sa paghahanap ng solusyon. Ang kuryente ay karapatan, hindi luho,” pagtatapos ni Tulfo.

ERWIN TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with