^

Bansa

Senado bukas na sa mga bisita - Gatchalian

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinapayagan na ni Senate President Sherwin Gatchalian na makapasok ang mga bisita sa loob ng Senado.

Sa isang video message ni Gatchalian, papayagan na makapasok ang mga bisita sa pamamagitan ng Visitor Management System (VMS) na ipapatupad  ng Office of the Senate Sergeant at Arms (OSAA) .

“Bilang inyong Senate President, tungkulin kong mapanatili ang katatagan ng institusyon at matiyak ang kaligtasan ng lahat,” pahayag ni Gatchalian.

Ang anunsiyo ng Senate President ay ginawa ilang linggo matapos ilagay ang Senado sa ilalim ng heightened alert.

Ayon pa kay Gatchalian, layunin nila na tiyakin ang kaligtasan ng mga senador, kawani ng media, mga bumibisita sa Senado at ng publiko at ang katatagan ng institusyon.

Patuloy rin aniya ang pakikipagtulungan nila sa mga security agency para mapanatili ang seguridad sa paligid ng Senado.

Bukas din aniya ang kanyang tanggapan sa anumang mungkahi at sisikaping tugunan ang mga ito habang tinitiyak ang tamang balanse sa pagitan ng seguridad at accessibility.

SENATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with