^

Bansa

SC: Photocopy ng original, valid evidence

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
SC: Photocopy ng original, valid evidence
The main building of the Philippine Supreme Court in Manila as taken on Dec. 13, 2024.
Philstar.com / Martin Ramos

MANILA, Philippines — Maaaring tanggapin ng korte ang isang photocopy o electronic duplicate ng dokumento bilang balidong ebidensya, kung walang kwestyon sa pagiging tunay nito, ayon sa Korte Suprema.

“This approach ref­lects the practical ­realities of document usage and storage in the modern world, where duplicates are often indistinguishable from originals and can be more accessible,” paliwanag ng SC.

Sa desisyon noong Pebrero 3, 2025 na isinulat ni Chief Justice Ale­xander G. Gesmundo, pinagtibay ng First Division ng SC ang hatol laban kay Ybo Lastimosa sa kasong pagpatay kay Ildefonso Vega Jr.

Sa paglilitis, nagpatotoo ang mga saksi na binaril ni Lastimosa si Vega sa ulo sa labas ng isang cockpit sa Cebu City. Kasabay nito, iniharap ang photocopy ng death certificate bilang ebidensya.

Napatunayang guilty si Lastimosa sa homicide batay sa photocopy ng death certificate at mga salaysay ng mga saksi. Ngunit sa apela, itinaas ng Court of Appeals ang hatol sa murder dahil sa patraydor na pamamaril na hindi nagbigay ng pagkakataon sa biktima na makaiwas.

Ibinasura ng SC ang argumento ni Lastimosa na hindi napatunayan ang corpus delicti dahil hindi naipakita ang orihinal na death certificate. Giit ng SC, sa ilalim ng Rule 130, Section 4(c) ng 2019 Revised Rules on Evidence, ang duplicate ay tinatanggap bilang orihinal maliban kung may tunay na katanungan sa authenticity o hindi patas na gamitin ito.

Sa kasong ito, sapat na ang photocopy ng death certificate, kasama ang testimonya ng asawa ni Vega at iba pang ­saksi, upang patunayan na namatay si Vega sa tama ng bala at si Lastimosa ang may pananagutan.

Pinagtibay ng Korte Suprema ang sentensya kay Lastimosa ng reclusion perpetua o pagkakakulong nang hanggang 40 taon. Inutusan din siyang magbayad ng P275,000 bilang civil indemnity at danyos, kasama ang interes.

KORTE SUPREMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with