Pistons tinapos suwerte ng Spurs

SAN ANTONIO — Bumanat si Cade Cunningham ng 27 points at bumangon ang Detroit Pistons mula sa isang 14-point deficit para talunin ang Spurs, 105-93, at wakasan ang 12-game winning streak nito.
Umiskor si Daniss Jenkins ng 25 points para sa Detroit (9-4), habang nagkadena si Ausar Thompson ng 14 points, 12 assists at siyam na rebounds.
Nagdagdag si John Collins ng 11 points at may 10 markers si Paul Reed.
Humakot si Victor Wembanyama ng 25 points at 18 rebounds sa panig ng San Antonio (12-3) na nakahugot kina Fil-Am Dylan Harper, Julian Champagnie, Devin Vassell at Stephon Castle ng 20, 14, 12 at 10 markers, ayon sa pagkakasunod.
Inilista ng Spurs ang isang 14-point lead sa second quarter bago bumalikwas ang Pistons at inagaw ang 55-54 halftime lead.
Pinalobo ito ng Detroit sa 78-72 sa pagtatapos ng third period patungo sa paglilista ng 11-point advantage sa fourth quarter.
Sa Los Angeles, bumangon ang Lakers mula sa 18-point deficit para talunin ang Charlotte Hornets sa overtime, 118-114, at dumiretso sa kanilang pang-siyam na sunod na ratsada.
Nagbagsak si Quentin Grimes ng career high 47 points, tampok ang 10 three-point shots, para banderahan ang Lakers (13-2).
Sa iba pang laro, wagi ang New York Knicks sa Toronto Raptors, 111-102; at lusot ang Minnesota Timberwolves sa Portland Trail Blazers, 106-105.
- Latest



















