Lakers tuloy pananalasa, Hawks giba

ATLANTA - Nagkadena si Luka Doncic ng 32 points, 10 assists at walong assists sa 124-114 pagpulutan ng Los Angeles Lakers sa Hawks.
Humakot si Walker Kessler ng 21 points at 10 rebounds para sa ikaanim na sunod na ratsada ng Los Angeles (10-2) at may 23 at 18 markers sina Sandro Mamukelashvili at Collin Sexton, ayon sa pagkakasunod.
Hindi naglaro si guard Austin Reeves matapos humataw ng 43 points sa nauna nilang panalo sa Detroit Pistons.
Umiskor si CJ McCollum ng 21 points kasunod ang 20 markers ni Nickeil Alexander-Walker at may 16 points si Oneka Okongwu para sa Atlanta (7-5) na nagtapos ang four-game winning streak.
Huling nakalapit ang Hawks sa 111-115 mula sa basket ni Dyson Daniels sa 3:30 minuto ng fourth quarter kasunod ang isang 6-0 atake ng Lakers tampok ang layup ni Doncic para selyuhan ang kanilang panalo.
Sa iba pang laro, itinumba ng Charlotte Hornets ang Cleveland Cavaliers, 124-112; tinalo ng Detroit Pistons ang Washington Wizards, 122-111; at wagi ang Memphis Grizzlies sa Toronto Raptors, 118-102.
- Latest



















