^

PSN Palaro

Wemby, Spurs pinadapa Flagg-less Mavericks

Pilipino Star Ngayon
Wemby, Spurs pinadapa Flagg-less Mavericks
Victor Wembanyama of the San Antonio Spurs.
Ronald Cortes/Getty Images/AFP

DALLAS - Humakot si Victor Wembanyama ng 23 points, pitong rebounds at apat na blocks, habang may 22 markers si Fil-Am Dylan Harper sa 122-106 paggupo ng San Antonio Spurs sa Mavericks.

Nagdagdag sina De’Aaron Fox at Stephon Castle ng tig-19 points sa pag-iwas ng San An­tonio na mahulog sa isang 0-3 start simula noong 2008-09 season.

Natalo sila sa Oklaho­ma City Thunder noong Mar­tes at sa Houston Rockets noong Biyernes.

Umiskor si Rookie Sergio de Larrea ng 21 points mula sa bench para sa Dallas (1-2) kasunod ang 12 markers ni P.J. Wa­shing­ton.

Naglaro ang Mave­ricks na wala sina marquee players Cooper Flagg at Kyrie Irving.

Nagkaroon si Flagg, ang 2025 Rookie of the Year, ng isang shoulder in­jury sa kanilang naka­raang panalo kontra sa In­diana Pacers noong Bi­­yernes.

Kababalik lang naman ni Irving sa season matapos mawala ng 19 siyam na buwan dahil sa torn ACL.

Sinayang ng Spurs ang hawak na 14-point lead sa third quarter, ngu­nit naghulog ng isang 17-5 bomba sa pagsisimula ng final period para muling ma­kalayo.

Kumolerkta ang San An­tonio ng 15 offensive re­­bounds sa pangunguna ni Wembanyama.

Sa iba pang laro, pa­na­­lo ang Charlotte Hornets sa Miami Heat, 115-110; wagi ang Cleveland Ca­valiers sa Brooklyn Nets, 125-121; tinalo ng Phi­ladelphia 76ers ang Milwaukee Bucks, 127-116; dinaig ng Washington Wizards ang Chicago Bulls, 124-120; pinapak ng Houston Rockets ang Atlanta Hawks, 121-114; pi­natumba ng Denver Nuggets ang New Orleans Pe­licans sa overtime, 141-135; at binigo ng Phoenix Suns ang Golden State War­riors, 131-122.

SPURS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with