^

PSN Palaro

Eala mapapalaban agad sa Ningbo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Eala mapapalaban agad sa Ningbo
Pinay tennis ace Alex Eala and Diane Parry ng France
STAR / File

MANILA, Philippines — Mapapalaban agad si Pinay netter Alex Eala sa pagbabalik-aksyon nito sa Ningbo Open na aarangkada sa Ningbo Yinzhou Tennis Center.

Base sa inilabas na draw ng tournament orga­nizers, unang makakasagupa ni Eala si Diane Parry ng France sa opening roung ng naturang WTA 500 event.

Nakatakda ang laro nina Eala at Parry sa alas-12 ng tanghali.

Ito ang unang paghaharap nina Eala at Parry sa WTA Tour.

Kasama ni Eala sa draw na posible nitong makaharap sina world No. 13 Diana Shnaider ng Russia sa second round, world No. 11 Iva Jovic ng Amerika sa quarterfinals at defen­ding champion at world No. 1 Elena Rybakina ng Kazakhstan sa semifinals.

Puntirya ni Eala na makaresbak sa Ningbo Open matapos ang sunud-sunod na kabiguan nito sa tatlong magkakasunod na torneo.

Una na sa Singapore Open kung saan maaga itong nasibak matapos matalo kay Tatiana Prozorova ng Russia (6-4, 5-7, 3-6) sa opening round.

Sinundan ito ng isa pang kabiguan kay Wang Xiyu ng China sa semifinals ng 2026 Asian Games sa Nagoya, Japan sa iskor na 6-4, 3-6, 3-6.

Lalo pang nadagdagan ang pait ni Eala nang maaga itong masibak sa Wuhan Open sa China matapos umani ng 6-4, 3-6, 3-6 desisyon kay Han Shi ng China sa first round.

Lahat ng tatlong tumalo kay Eala ay may mabababang ranking sa WTA.

Pare-pareho rin ang pattern ng pagkatalo ng Pinay netter na nakukuha ang first set subalit kinakapos sa huling dalawang sets.

Kaya naman todo ensayo agad si Eala nang dumating ito sa Ningbo upang masigurong nasa magandang kundisyon ito bago sumalang sa laban.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with