^

PSN Palaro

Belen positive sa tsansa ng Capital1

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Belen positive sa tsansa ng Capital1
Bella Belen
STAR / File

MANILA, Philippines — Sa pagkakadagdag nina Vanie Gandler at Erika Santos ay kumpiyansa si Bella Belen na makakapasok ang Capital1 Solar Energy sa playoffs ng 2026 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Confe­rence Siklab leg.

Sina Belen, Gandler at Santos ang bumubuo sa ‘Big Three’ ng Solar Spi­kers ni Brazilian coach Jorge Souza de Brito.

“Ang lagi ko namang pinaghuhugutan is kung ano ‘yung nakamit namin last conference,” ani Belen. “Last conference, hindi kami nakapasok sa playoffs. So parang this conference, mas mara­ming dumagdag na skillful players.”

Nagkadena ang 24-anyos na outside spiker ng career-high 35 points bukod sa 20 excellent digs at 19 receptions sa 28-26, 22-25, 25-15, 23-25, 21-19 pagtakas ng Capital1 kontra sa Akari para sa kanilang 1-1 baraha.

Nagdagdag sina Gandler at Santos ng tig-10 markers sa pagbangon ng Solar Spikers mula sa naunang 25-22, 25-18, 17-25, 20-25, 8-15 pagtiklop sa Choco Mucho Flying Titans sa una nilang laro.

“So, I feel like we have a chance na maging mas maganda pa ‘yung performance namin compared last conference. I believe maganda naman pinapakita ng team, game-by-game, training-by-trai­ning,” wika ni Belen, ang 2026 PVL Rookie of the Year at Best Outside Spiker awardee.

Patuloy pa ring naglalaro ang dating kamador ng National University Lady Bulldogs sa UAAP na may benda ang kanang kamay.

Nakatakdang labanan ng Capital1 ang ZUS Coffee (0-1) bukas sa MOA Arena sa Pasay City.

BELLA BELEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with