Not for sale
Dehins patok kay PSC chairman Patrick Gregorio ang balita na may nagbebenta ng Team Philippines gear.
Government-issued, kabilang ang maleta, backpack, carry-on bag, jacket, jogging pants, rubber shoes, shorts, t-shirts, medyas, tuwalya at sumbrero.
Brief na lang, larga ka na.
At para ma-issue ito sa athletes, coaches at sports officials for international competitions gaya ng SEA Games, Asian Games, Olympics at iba pa, kailangan mo pumirma.
Malaking halaga. At pera ng bayan. Pero dehins nangangahulugan na dahil nasa possession mo na eh pwede mo ito ibenta online or ilako.
Lumabas lately ang online selling ng items. May nagbebenta ng maleta na may tatak na Team Philippines for P8,000 and ang magarang jacket, na dehins mo mabibili sa SM, for P4,500.
May mga sports fans na gagastos para sa items para meron ka rin ng jacket na nakita natin lahat na suot nina Caloy Yulo, EJ Obiena at Alex Eala.
Pero mabilis nagbabala si Chairman Gregorio at si Sen. Bong Go na huwag ito ibenta.
In short, bawal.
Sisilipin mabuti ng PSC kung sino ang nagbenta or sumubok magbenta. Nag-issue na rin sila ng warning at penalty.
Kung gusto mo, ipamigay mo sa tatay or nanay mo, biyenan, kapatid, pinsan, barkada or jowa.
Nabigyan na rin ako n’yan. Sorry, not for sale.
- Latest





















