^

PSN Palaro

Caloy babawi sa floor exercise

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Caloy babawi sa floor exercise
Inaasahang babawi si Carlos Yulo sa pagsabak nito sa floor exercise ngayon matapos lumapag sa ika-anim na puwesto ang kanyang team sa all-around sa 20th Asian Games.
POC Pool

MANILA, Philippines — Pakay ni Carlos Yulo na maibigay ang gintong medalya para sa Team Philippines sa 2026 Asian Games sa pag-arangkada ng men’s floor exercise finals ngayong araw sa Nagoya, Japan.

Aabangan na ng lahat si Yulo nais masiguro ang gintong medalya sa Asian Games matapos hindi lumahok noong 2023 edis­yon sa Hangzhou, China.

Lalarga ang finals sa alas-4 ng hapon sa Nagoya City General Gymnasium Rainbow Hall.

Paborito si Yulo na magkampeon matapos ang impresibong ipinamalas nito sa qualifying round noong Lunes.

Nakalikom si Yulo ng 14.600 puntos upang makuha ang top spot.

Makakasama ni Yulo ang nakababatang kapatid nito na si Karl Eldrew na nakapasok din sa finals.

Nagtala si Eldrew ng 13.966 puntos para sa ikaanim na puwesto sa qualifying.

Makakalaban ng Yulo brothers sa finals sina reiging Asian Games champion Ryu Sunghyun ng South Korea, Shoma Tsukiyama ng Japan, Sun Wei ng China, Shinnosuke Oka ng Japan, Milad Karimi ng Kazakhstan at Zhang Boheng ng China.

Itong Asian Games na lamang ang wala sa listahan ni Carlos.

Nagkampeon na ito sa Olympic Games, World Championships, Asian Championships at Southeast Asian Games.

Target ni Carlos na masundan ang nagawa ni Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz na nagkampeon sa lahat ng nagturang events.

Sasabak pa si Carlos sa finals ng vault at pa­rallel bars na idaraos sa Biyernes.

Makakasama ni Carlos sa finals ng vault si Juancho Miguel Besana.

Sa kabilang banda, pasok din si Eldrew sa finals ng horizontal bar na gaganapin din sa Biyernes.

Nagkasya naman sa ikaanim na puwesto ang men’s team nina Carlos, Eldrew, Besana, Zachary Nunez at Justine Ace De Leon sa team all-around final.

Napasakamay ng China ang ginto habang nakapilak ang Japan at tanso naman sa Chinese-Taipei.

CARLOS YULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with